-- Advertisements --
Patay ang tatlong hinihinalang holdaper matapos ang naganap na engkuwentro sa mga kapulisam sa Malvar, Batangas kaninang madaling araw.
Ayon kay Edwin Quilates, provincial director ng Batangas PNP , kagagaling lang mga suspek sa panghoholdap sa isang gasolinahan sa Brgy. Bugtong Lipa City ng sila ay maharang sa inilatag na checkpoint ng PNP.
Binalewala at nagpaputok pa ang mga suspek pagdating sa checkpoint.
Agad namang nakaganti ng putok ang mga kapulisan na sanhi ng kamatayan ng mga suspek.