-- Advertisements --

ILOILO CITY- Patuloy ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga guro sa Arizona sa Estados Unidos matapos nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang nasabing mga guro ay naghahati sa isang summer classroom sa Hayden Winkelman School District at sa kasamaang palad, isa sa kanila ang namatay.

Si Kimberley Chavez Lopez Byrd, 61, ang binawian ng buhay dalawang linggo matapos dinala sa hospital.

Ayon kay Bombo International Correspondent Maria Jessica Melliza Gonzaga, Nurse Practioner sa Tucson Medical Center sa Arizona, si Byrd ay namatay kasabay ng kanyang 24th wedding anniversary.

Sa ngayon ayon kay Gonzaga, kinukulang ang mga critical case nurses sa Arizona dahil sa paglobo ng mga pasyente.