Tatlong grupo ang nabigyan ng akmang permit para magsagawa ng kilos-protesta at rally sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang mga ito ay pare-parehong pinapayagan na makapagsagawa ng rally sa Lunes, July 27, 2026.
Pangungunahan ito ng progresibong grupo na Bayan na may rally permit mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Maaring magsagawa ng rally ang naturang grupo sa harapan ng St Peter Parish Church sa Commonwealth Avenue.
Pangalawa ay ang grupong Better Brighter na may rally permit mula alas-9 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.
Maaaring magsagawa ng kilos-protesta ang naturang grupo mula sa Commonwealth Avenue sa harapan ng Commission on Audit office hanggang sa Sandiganbayan premises.
Panghuli ay ang grupong Sanlakas na maaaring magsagawa ng rally sa Commonwealth Avenue. Maaari itong magsagawa ng kilos-protesta mula ala-1 ng hapon sa naturang araw.
Sa ngayon ay wala pang ibang grupo na nabibigyan ng rally permit para sa naturang araw ngunit hindi naman inaalis ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na may iba pang magsasagawa ng protesta sa mga public rally areas o freedom parks sa National Capital Region.
















