drug raid NBI baguio

BAGUIO CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong personalidad na nahuli sa isinagawang buy bust operation sa Purok 6, Upper Pinget, Baguio City kagabi.

Nakilala ang mga ito na sina Kurt Allison Callanta, 25; Servillano III Ignacio Abanilla, 27, at si Patrisha Denis Flores, pawang residente ng Baguio City.

-- Advertisement --

Isinagawa ng operasyon nang pinagsamang pwersa ng NBI-Mimaropa at NBI-Cordillera ang operasyon na nagresulta sa pagkakumpiska nila ng mga iligal na droga at mga drug paraphernalia mula sa tatlo.

Nakumpiska sa tatlo ang limang tubular form ng dried marijuana leaves, isang plastic bag ng dried marijuana leaves at isang pakete ng pinaniniwalaang shabu.