Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang mga petisyon ng mga petitioner para baligtarin ang pagbasura sa mga kaso laban sa kandidatura sa pagkapangulo ni presidential aspirant Bongbong Marcos.
Sa botong 6-0-1 ay pinagtibay ng komisyon ang pagbasura sa apat na disqualification cases laban sa dating senador.
Kabilang sa mga bumoto para ibasura ang petisyon ay sina Commisioners Aimee Neri, Aimee Ferolino, Socorro Inting, Rey Bulay at Chairman Saidamen Pangarungan.
Nag-inhibit naman dito si Commissioner George Garcia na dating counsel ni Marcos sa kanyang poll protest sa pagka-bise presidente noong 2016 elections.
Ipinaliwanag ng komisyon na nabasura ang mga motions for reconsideration ng mga petitioners dahil bigo umano ang mga itong maglahad ng bagong argumento para kumbinsihin ang poll body na baliktarin ang naunang desisyon laban din sa petisyon kay Marcos.