Nakabalik na sa mundo ang tatlong Chinese astronauts matapos makumpleto ang kanilang space mission.

Umabot sa 90 na araw nanatili sa Tianhe module ang space station ng China ang mga astronaut na sina Nie Haisheng, Liu Boming at Tang Honbo.

-- Advertisement --

Habang nasa kalawakan ay nakumpleto nila ang ilang trabaho gaya ng pag-transmit ng experiment data pabalik sa mundo at pagsasagawa ng ilang oras na paglalakad sa kalawakan.

Lumapag ang sinakyan ng mga astronauts sa Gobi deserts sa Inner Mongolia.

Kinailangan din ng tatlo na mag-quarantine matapos ang pagbabalik sa mundo para matiyak na wala silang dalang mga virus.

Umalis ang tatlo noong Hunyo 17 sa parehas din na disyerto.