BUHAWI
-- Advertisements --

Ikinagulat ng mga residenteng malapit sa Laguna de Bay ang biglaang paglitaw ng tatlong buhawi sa Laguna Lake area, bandang alas-6:00 ng gabi.

Ayon kay alyas Allan ng San Pedro, Laguna, natumba ang kanilang mga halaman sa rooftop, habang may iba ring pinsalang naitala sa mga karatig na lugar.

Kwento pa ng mga residente, bihirang pangyayari na sabay-sabay na lumilitaw ang mga buhawi sa nasabing lawa.

Paliwanag naman ni Pagasa forecaster Aldczar Aurelio, nangyayari talaga ang paglitaw ng buhawi kapag may thunderstorm, kaya dapat maging alerto.

Kung minsan pa nga raw ay sinasabayan ito ng hailstorm o pag-ulan ng yelo.

-- Advertisement --