Tatlong magkakapatid ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City nitong Martes ng tanghali.
Ang mga biktima ay nasa edad 10, 7, at 5 taong gulang.
Ayon sa magulang ng mga biktima, nasa ospital siya para sa medical examination ng kanyang ina nang mangyari ang insidente.
Batay sa Quezon City Fire District, natagpuan ang mga bata sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan. Posibleng sanhi ng kanilang pagkamatay ang pagkalanghap ng makapal na usok, ngunit ayon mga saksi, sunog din ang katawan ng mga bata.
Dinala sa punerarya ang mga labi ng mga bata bandang alas-2 ng hapon.
Umabot sa third alarm ang sunog na tumupok din sa isang tatlong-palapag na bahay at nakaapekto sa 33 pamilya. Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog.