Nasa 29 bote ng liquid marijuana ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa Central Mail Exchange Center sa lungsod ng Pasay.

Sinabi ni Gerard Javier, hepe ng Ninoy Aquino International Airport Interagency Drug Interdiction Task Group, galing sa Utah, USA, ang nasabing na kontrabando.

Kanila ding agad inaresto ang isang babae na tumanggap ng nasabing package.

Depensa naman ng suspek na ginagamit nito ang nasabing marijuana bilang gamot niya sa kaniyang sakit.