Nasa 28 katao na ang nasawi matapos na sila ay malunod sa pagbaha sa isang factory sa Morocco.

Nagdulot ng malawakang pagbaha ang ilang araw na pag-ulan sa iligal na underground textile workshop sa Tangiers city.

Ayon sa mga otoridad na karamihang mga nasawi ay mga kababaihan na manggagawa.

Hindi agad na nakalabas ang mga tao sa loob ng binahang pagawaan kaya sila ay nalunod.