Reading Time: 1 minute
Madiera map
Madiera map

Patay 28 pasahero ng bus matapos na ito ay bumangga sa Madiera, Portugal.

Ang German tourist bus ay may kabuuang 50 pasahero ang sakay ng maganap ang aksidente sa bayan ng Canico.

Base sa inisyal na imbestigasyon nawalan ng kontrol ang driver hanggang ito ay tuluyang bumangga malapit sa mga kabahayan.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa naganap na aksidente.