WPS juliam felipe reef Chinese china

Kinumpirma ni AFP chief of staff Gen. Cirilito Sobejana na 28 Chinese vessels na lamang ang nakakalat ngayon sa West Philippine Sea mula sa mahigit 200.

Sa nasabing bilang, anim dito ay Chinese Coast Guard na namataan sa Pagasa island, Ayungin Shoal at Bajo de Masinloc.

Ang 20 iba pang Chinese vessels ay mga fishing boat at dalawang Chinese maritime militia.

Ang nasabing report ay isinumite sa kaniya ng pamunuan ng Western Command (WESCOM) noong Sabado ng gabi.

Kahapon, April 11, 2021 muling nagsagawa ng maritime patrol ang C295 ng PAF para naman sa Julian Felipe Reef para mabatid kung may mga barko pa ng China ang nakaangkla sa lugar.

Sinabi ni Sobejana, hinihintay pa niya ang report sa isinagawang maritime patrol kahapon sa lugar.

Gayunpaman, sinabi nito na nagkaroon ng significant reduction sa mga barko ng China na nakakalat sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Aniya, hindi tumigil ang Western Command lalo na ang Philippine Navy (PN) at Philippine Air Force (PAF) sa pagpapatrulya sa West Philippine Sea lalo na sa teritoryo ng bansa, itoy sa kabila ng limitado lamang ang mga barko ng AFP.

“Yes. There’s a continuous reduction, ang objective natin na talagang wala ng Chinese vessels na aaligid sa exclusive economic zone ng Pilipinas,” pahayag ni Sobejana.

Dalawang barko ng Philippine Navy ang nagpapatrulya sa lugar kasama ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Binigyang-diin ni Sobejana na unfair ang paratang ng iba na hindi gumagalaw ang barko ng AFP.

Aniya, dapat intindihin ng ating mga kababayan na kakaunti lamang ang barko ng navy, ang dalawang bagong frigate ay hindi pa maaaring i-deploy for operations dahil ongoing pa ang acceptance test dito.

“Nagpapatrulya, unfair naman yun sa ating mga sundalo, they are risking their lives, so the public should understand kung ilan lang ang barko natin, meron tayong frigate na dumating dalawa pero hindi pa tapos yung acceptance test kaya hindi pa madeploy for operations, pero binibilisan namin para sa ganon madagdagan yung ating naval assets sa West Phl Sea,” paliwanag pa ni chief of staff.

Siniguro naman ni Sobejana na isusulong pa rin nila ang diplomatic ways sa pag resolba sa naturang asunto.

“China si super power country at we are a 3rd world country, sa labanan sa dagat eh hindi natin matitiyak na tayo ang mananalo, pero kung sa lupa yung labanan gagawin, ako ay nakakasigurado na mayruon tayong advantage,” pahayag ni Gen. Sobejana.