Balik sa mahigit 2,000 ang mga bagong kaso na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas na mas mataas nitong nakalipas na araw sa daily tally ng Department of Health (DOH).
Ito ay makaraang makapagtala ang DOH ng 2,646 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Ang kabuuang nagkasakit ng coronadavirus sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,809,311.
Mayroon namang naitalang maraming gumaling na umaabot sa 4,029.
Ang mga nakarekober sa COVID-19 sa bansa ay nasa kabuuang 2,735,508 na.
Bumaba naman ang mga aktibong kaso sa 29,138.
Samantala meron namang bagong nadagdag na mga namatay na nasa 99.
Ang death toll sa bansa bunsod ng deadly virus ay nasa 44,665 na.
Mayroon namang pitong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.
“29 duplicates were removed from the total case count. Of these, 20 are recoveries and 1 is a death. Moreover, 84 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi pa ng DOH advisory. “All labs were operational on November 8, 2021 while 7 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 7 non-reporting labs contribute, on average, 15.2% of samples tested and 5.1% of positive individuals.”