Dinismis ng Bureau of Internal Revenue ang dalawamput anim na personnel nito habang sinuspinde ang dalawang iba pa, bilang bahagi ng nagpapatuloy na internal cleansing ng ahensiya.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr, ang mga nasabing empleyado ay bigong makapasa sa mahigpit na standard pinaninindigan ng ahensiya.
Ang mga nasabing empleyado aniya ay natukoy na gumawa ng ilang mga pagkakasala, katulad ng grave misconduct, serious dishonesty, frequent unauthorized absences, falsification of documents, gross neglect of duty, insubordination, at maging ang absence without official leave.
Sinabi ng BIR Chief na ang mga nasabing pagkakasala ay mga ‘serious transgressions’ na nangangailangan ng agarang pagkatanggal sa sinumang gumawa rito.
Paliwanag ng opisyal na una silang nagsagawa ng imbestigasyon sa mga tinanggal na empleyado at natukoy na may sapat na dahilan upang tanggalin ang suspendihin ang mga ito.
Sinabi ng opisyal na sa pamamagitan ng ginawagawang internal cleansing ay magkakaroon ng bagong BIR organization na kayang maipagmalaking na sumusunod sa code of integrity at professionalism.