-- Advertisements --

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang P25 million halaga ng mga smuggled na gamot sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa BOC, pawang German medicines ang nasakoteng gamot na kinabibilangan ng mga gamot para sa coronary circulatory disorder at maging ang sexual enhancement drugs.

Bukod pa rito, may nakumpiska ring gamot para sa liver diseases at para sa mga may high blood.

Samantala, hindi naman pinangalanan ng BOC ang pinanggalingan ng shipment ng mga gamot na ito.