-- Advertisements --
Nasa kustodiya na ng Red Cross ang 24 na bihag na pinalaya ng mga Hamas militants.
Ayon sa Red Cross na naging matagumpay ang ginawa nilang pangangasiwa para matuloy ang kasunduan na apat na araw na tigil putukan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Sila rin aniya ang magtatawid sa mga bihag mula Gaza patungong Rafah border.
Ang mga bihag na pinalaya ay kinabibilangan ng 13 Israelis, 10 Thailand nationals at isang Filipino.
Masusing binantayan naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at Defense Minister Yoav Gallant sa command center nila sa Tel Aviv ang naganap na pagpapalaya sa mga bihag.