-- Advertisements --
Aabot sa 23 tonelada ng cocaine ang nakumpiska ng mga customs authorities sa Germany at Belgium.
Ayon sa mga otoridad sa Germany na mayroong 16 tonelada na nakalagay sa limang shipping containers ang nakarating sa pier ng Hamburg at ito ay galing sa Paraguay.
Habang nasa 7.2 tonelada ng cocaine ang nakumpiska sa Antwerp port sa Belgium.
Tinatayang nasa ilang bilyong dolyar ang halaga ng nasabing mga droga.
Galing umano ang mga droga sa Panaman na tinakpan ng mga kahoy.
Naaresto naman ng mga Dutch police ang isang 28-anyos na lalaki na pinaniniwalaang sangkot sa nasabing insidente.