-- Advertisements --
Pinatawan ng parusang kamatayan ng korte sa Libya ang 23 jihadist.
Ito ang unang grupo sa 320 na miyembro umano ng Islamic State jihadist na mapapatawan ng hatol.
Ang nasabing mga jihadist kasi ang siyang nakipaglaban kasama ang mga Islamic State group sa Libya noong kasagsagan ng kaguluhan kasunod ng pagbagsak ng diktador na si Moamar Kadhafi.
Taong 2015 na makontrol ng IS ang central coast at sila ay pinalayas ng mga puwersa na tapat sa Tripoloi-based Government of National Accord.
Nagsimula ang paglilitis noong Agosto ng nakaraang taon kung saan 14 na iba pa ang hinatulan na makulong ng habambuhay.
Ang mga inakusahan ay pawang mga Palestinian, Sudanese at Libyan.