Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagkakatanggal ng Pilipinas sa Financial Action Task Force (FATF) Grey List, patunay ito na naging tagumpay ang kampanya ng bansa sa kampanya laban sa money laundering at terrorism financing.
Sa ginanap na recognition ceremony sa Malakanyang ngayong hapon na ipinakikita rin aniya nito ang pagsisikap ng administrasyon na mapalakas ang kredibilidad ng financial system ng bansa upang makuha ang kumpiyansa ng daigdig sa ating mga institusyon.
Ayon sa Pangulo may magandang epekto ang idudulot nito sa bansa ibig sabihin mas abot kaya na ang financial system ng mga transaksyon sa bansa, mas mababa na ang ipapataw na bayarin sa ating mga OFW na nagpapadala ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas.
Binigyang diin ng Pangulo na kung nanatili sa grey list ng financial action task force ang Pilipinas, magdudulot ito ng red flags sa mga investor o mamumuhunan at malalagay ito sa pagbusisi sa ating mga negosyo at financial institutions.
Nuong buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon ianunsyo ng task force na wala na sa grey list ang Pilipinas.