-- Advertisements --

Dalawa pang games ang kinansela ngayon ng NBA dahil sa COVID protocols.

Ito ay ang laro sa pagitan ng Sacramento Kings at Grizzlies, gayundin ang banggaan ng San Antonio Spurs versus Pelicans.

Sa kabuuan nasa 21 games na ang nakansela mula ng magsimula ang season, isang buwan na ang nakakalipas.

Noong nakaraang linggo inanunsiyo ng NBA na umaabot sa 11 mga players ang panibagong nagpositibo sa COVID-19.

Bago ito meron ding 16 pang players ang nakumpirma ring tinamaan ng coronavirus infections.