-- Advertisements --

Umakyat na sa 21,034,472 o 80.2% na estudyante ang nakapag-enrol para sa School Year 2021-2022 ayon sa Department of Education (DepEd).

Base sa latest data ng ahensiya, nasa 15,320,766 students ang nakapag-enrol sa public schools; 1,132,632 sa private schools; at 23,747 sa mga state universities ay colleges.

Nasa 4,557,327 students naman ang nakapag-enrol sa early registration.

Nananatiling nagmula sa Calabarzon na may 2,905, 646 enrollees ang may pinakamaraming bilang ng nakapag-enrol; Central Luzon, 2,167,516; National Capital Region na 1,993,601; at nasa 184,382 or 30.76% ang nakapag-enrol sa Alternative Learning System.

Napag-alaman na sa Setyembre 13, araw na ng Lunes ang simula ng klase sa bansa.

Nauna nang umapela si DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa mga estudyante at magulang na huwag nang hintayin ang huling araw ng enrollment.