NAGA CITY- Isinailalim ngayon sa culling operation ang 800 na mga baboy na nagpositibo sa African Swine Fever sa bayan ng Pili Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Tom Bongalonta, sinabi nito na sa kasalukuyan umabot na sa 21 barangays ang nairehistrong may nagpositibo sa ASF.
Ayon kay Bongalonta tinatayang umabot narin sa 72 na mga hog raisers ang labis na naapektauhan ng nasabing virus, kung saan posibleng madagdagan pa ang mga ito.
Samantala iginiit naman nito na kasabay ng kanilang kagustuhan na makontrol ang COVID-19 cases ay ang kagustuhan rin na masugpo narin ang ASF.
Kung maaalala na sa huling datos ng Department of Agriculture (DA)- Bicol, na sa mahigit 90 barangay na ang naapektohan ng ASF sa 17 na bayan probinsya ng Camarines Sur.