-- Advertisements --

Aabot pa ng isa hanggang dalawang taon, bago tuluyang makabalik sa normal ang operasyon ng mga travel agency na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Michelle Victoria ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA) sa panayam ng Bombo Radyo, sa huling bahagi pa ng 2022 aabot sa 88% ang karamihang international travels.

Habang sa kalagitnaan naman ng 2023 tinatayang aabot sa 100% ang pagbabalik ng pangkalahatang byahe sa buong mundo.

Nagbigay din ng payo si Victoria para sa mga baguhan sa tourism industry, lalo na ang nasa travel and tours, na kailangang maghanda ng ilang options at huwag lamang tumutok sa iisang direksyon ng negosyo.

Ang turismo raw kasi ang isa sa unang naaapektuhan kapag may kumakalat na sakit o kaguluhan.