Hinimok ng ilang senador ang papasok na marcos administration na maagang ilahad ang detalye ng 2023 proposed national budget.
Kasunod ito ng nais mangyari ni president elect bongbong marcos na maaga itong maipasa para sa maayos na distribusyon sa mga proyekto.
Una nang sinabi ni Sen. Koko Pimentel, na makabubuting maging mabilis ang aksyon, upang makabangon na agad ang bansa sa epekto ng pandemya.
Maaari ring mangahulugan na mapopondohan ang mga programa at proyekto na ipatutupad ng gobyerno tulad ng stimulus package para sa mga negosyo, kung maayos na mailalaan ang P5.268 trillion fund.
Pero ayon kay Pimentel, bagama’t maganda ang nabanggit na hakbang, dapat pa ring himayin nang husto ang detalye ng isusumiteng proposed 2023 budget ng incoming Marcos administrasyon, upang hindi ito mabahiran ng anumang pagdududa.