-- Advertisements --

Itinuturing na ang 2023 ang pinakamainit na taon na naitala ng European Union climate service.

Ayon sa nasabing ahensiya na ang nasabing init ng panahon mula sa human-caused climate change na pinalala pa ng natural El Nino weather event.

Noong nakaraang taon aniya ay mayroong 1.48 degree celcius na mas mainit kaysa sa long-term average bago magsimulang magsunog ang tao ng malaking halaga ng fossil fuels.

Mula noong Hulyo 2023 ay halos araw-araw ay hindi bumababa ang global air temperature ng taon.
Maging ang sea surface temperatures ay bumagsak din.