-- Advertisements --

Dumating na sa New York si Pinay tennis star Alex Eala ilang araw bago ang pagsabak niya sa US Open.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang ilang mga larawan mula sa New York City.

Ang US Open ay siyang pangatlong Grand Slam tournament na kaniyang lalahukan ngayong taon matapos ang French Open at Wimbledon.

Magugunitang hindi na siya nakapaglaro sa Cincinnati Open at Monterey Open dahil sa inindang injury sa balikat.