Tuloy na ulit simula ngayong araw ng Lunes, Enero 4, 2021, ang voter registration para sa May 2022 national at local polls.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, maaring magparehistro ang mga qualified na indbidwal hanggang Setyembre 2021.
Pero pinapayuhan nito ang mga magpaparehistro na mahigpit na sumunod sa umiiral na health protocols kontra COVID-19 gaya na lamang nang pagsuot ng face masks at shields pati na rin ang physical distancing.
Bukas aniya ang mga opisina ng Comelec tuwing Lunes hanggang Huwbes mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Para madaling ma-accomplish ang application forms, maaring gumamit ng online app na iRehistro ang mga aplikante.
Pero kailangan pa rin aniyang personal na pumunta ng mga registrants sa kanilang local Comelec offices at dapat ding magdala ng tatlong kopya ng printed online application forms.