seag caravan 1

Sinimulan na ngayong araw ng 30th Southeast Asian Games sponsors at organizers ang mga pakulo at gimik, mahigit dalawang linggo na lamang bago ang official kickoff.

Ang first leg ng SEA Games Caravan ay isinagawa sa Mall of Asia Arena (MOA) sa Pasay City bilang bahagi ng awareness campaign at humatak pa ng suporta sa mga kababayang Pinoy.

Kabilang sa inilunsad na pakulo ay ang pagpapakilala sa mga lalaruin sa SEA Games, pagkilala sa mga sports icons, sports quiz, trivia, at merong ding malalaking larawan tulad ni Olympian Hidilyn Diaz na puwedeng magpakuha ng larawan ang mga sports fans.

Muli namang ipinaalala na patuloy na mabibili ang mga tickets sa Ticketnet para mga events sa SEA Games.

Samantala pinulong naman ni House Speaker at Phisgoc chairman Alan Peter Cayetano ang mga kawani sa isang pep rally sa Taguig City upang bigyang inspirasyon ang kanilang pamamahala at masiguro ang matagumpay na hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games.

SEA Games cayetano
House Speaker Alan Peter Cayetano gives his opening remarks at the 2019 SEA Games Workforce Pep Rally at Cayetano Sports Complex. #WeWinAsOne