-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng ilang medical experts na maari nang mahawa ang isang indibidwal sa novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa pamamagitan ng aerosol transmission bukod sa direct at contact transmission.

Ayon kay Zeng Qun, deputy head ng Shanghai Civil Affairs Bureau, posible ang aerosol transmission kapag nahalo ang 2019 nCoV-ARD sa droplets sa hangin para maging aerosols, na maaring magdulot ng infection kapag malanghap.

Ipinaliwanag naman ng mga eksperto na kapag direct transmission, maaring magkaroon ng infection ang isang tao kapag malanghap ang hangin malapit sa pasyente na bumahing o umubo.

Kapag contact transmission naman, ito ay kung panay hawak ng isang tao sa kanyang mga membranes sa bibig, ilong at mata matapos mahawakan ang isang bagay na natalsikan ng droplets mula sa infected na indbidwal.

Kaya naman patuloy na nananawagan sa publiko ang mga eksperto na lalo pang mag-ingat sa naturang sakit sa pamamagitan nang pag-iwas na rin sa mga pagtipon-tipon.

Marapat lamang anila na panatilihin ang kalinisan sa katawan at maging sa mga kapaligiran, lalo na sa mga handle sa pintuan, lamesa at iba pa.