Naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine si Nobel Prize winner Malala Yousafzai.

Sa kaniyang social media ibinahagi ng 23-anyos Pakistani ang larawan habang tinuturukan ng bakuna.

Hinikayat niya ang mga mamamayan na magpabakuna na para tuluyang malabanan ang COVID-19.

Ang Oxford University graduate ay naging pinakabatang nanalo ng Nobel Peace Prize noong 2014 dahil sa pagkampanya nito sa mga kababaihan na dapat sila ay bigyan ng karapatan na makapag-aral.

Noong 14-anyos pa lamang siya ay binaril siya sa ulo ng Taliban militants dahil sa kaniyang kampanya.