-- Advertisements --
Naaresto ang 20 Filipino seafarers sa Lagos, Nigeria matapos makumpiska ang humigit-kumulang 20 kilo ng cocaine sa isang Panama-flagged vessel, ayon sa ulat ng National Drug Law Enforcement Agency (NDLEA) noong Biyernes.
Ayon sa NDLEA, natagpuan ang “top-grade” na droga nitong Linggo, na nakatago sa ilalim ng kargamento ng barko na karaniwang nagdadala ng coal mula Brazil patungong Colombia.
Kasama ang lahat ng Filipino crew members sa kustodiya habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Naunang inanunsyo ng NDLEA na nakikipagtulungan sila sa U.S. at U.K. para tugisin ang isang kartel na may kaugnayan sa 1,000 kilo ng cocaine na nahuli rin sa Lagos port nitong nakaraang buwan.
















