-- Advertisements --

Muling tumawid sa median line sa strait sa pagitan ng mainland at Taiwan ang mga eroplano at barko ng China.

Nangyari ito habang idinaraos ng China ang ikalawang araw nito ng pinakamalaking pagsasanay sa militar sa paligid ng isla bilang pangunahing tugon ng Beijing sa pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi.

Nasa 20 Chinese military aircraft at 10 Chinese navy ships ang tumawid sa median line.

Ang mga barkong pandagat ng Taiwan ay nananatiling malapit upang subaybayan ang mga aktibidad ng hukbong-dagat ng China.

Nauna nang inihayag ni Pelosi na hindi ihihiwalay” ng China ang Taiwan sa pamamagitan ng pagpigil sa mga pulitiko ng US na maglakbay doon.

Bilang tugon sa galit ng mga Chinese sa kanyang pagbisita, sinabi niyang “hindi dapat makialam ang China sa kanilang travel schedule.