-- Advertisements --
Pumanaw na ngayon ang babaeng binaril sa bansang Myanmar habang kasama sa mga nagpoprotesta laban sa mga lider ng militar na nang-agaw ng kapangyarihan sa kanilang gobyerno.
Ang 20-anyos na si Mya Thweh Thweh Khine, ay nasa kritikal na kondisyon mula pa noong nakaraang linggo matapos na sumama sa mga nagrarali.
Sinasabing tumagos umano ang bala mula sa suot nyang motorcycle helmet nang mamaril ang anti-riot police.
Sa ngayon si Mya Thweh ang siyang kauna-unahang casualty sa mga anti-coup protests.
Siya rin ngayon ang nagsisilbing simbolo ng mga pro-democracy protests.
Lalo namang nagpainit sa ibang mga grupo ang nangyari kaya sumama na rin sila sa mga nagsasagawa ng demonstrasyon sa araw-araw.