-- Advertisements --
Itinuturing ng US Central Command na patay na ang dalawang Navy SEALS nila na nawawala pa sa karagatan ng Somalia noon Enero 11.
Ayon sa US Central Command na pinalitan na nila ang estado ng dalawa na matapos ang mahigit 10 araw na walang tigil na paghahanap.
Hindi na nagbigay pa ng impormasyon ang mga otoridad bilang pagrespeto na rin sa mga kaanak ng mga biktima.
Mayroong maliit na presensiya sa Somalia ang US para labanan ang banta ng al-Shabaab militant group na itinituring nila bilang terorista.