CAGAYAN DE ORO CITY – Nilalapatan ng kaukulang medikasyon ang dalawang sundalo mula 58th Infantry Batallion,Philippine Army matapos natamaan nang makasagupa ang mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Samay,Gingoog City,Misamis Oriental.
Ito ay matapos nagsagawa ng focused military operation ang tropa ng gobyerno alinsunod sa naibigay na impormasyon ng mga sibilyan na namataan ang presensiya ng hindi mabilang na mga rebelde kaya nagkapalitan ng mga putok ng ilang minuto.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni 4th Infantry Division spokesperson Maj Jhun Cordero na bagamat nasa ligtas ng kalagayan ang mga nasugatang sundalo habang naka-confine sa Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan de Oro City.
Inihayag ni Cordero na napaatras ang mga rebelde sa kasagsagan ng engkuwentro kung saan narekober ang naiwan na M-16 rifle,short magazine sa M16, apat magazines ng AK47 rifle, electronic contact gadgets,siyam na rounds ng 40mm ammunition, assorted medical paraphernalia at subversive documents.
Magugunitang pinaiigting ng gobyerno ang military operations habang ginugunita ng Communist Party of the Philippines ang ika-52 taon na pagkabuo ng kanilang armadong puwersa na New People’s Army na nakapagdulot na ng malawakang danyos sa malaking bahag ng bansa.