-- Advertisements --

copnp1

Dalawang police officers ang namatay dahil sa COVID-19 infections kung saan sumampa na sa 46 na mga PNP personnel ang nasawi.

Kinilala ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to Covid19 Operations Task Force (ASCOTF) commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar ang dalawang biktima na isang 48-anyos na lalaking Police Commissioned Officer na mula sa PNP Legal Service, at isang 47-anyos na Police Commissioned Officer mula sa Explosives and Ordinance Division (EOD)/ K-9 group.

Ayon kay PNP chief Gen. Debold Sinas ang nasabing police lieutenant na isang abogado ay nagpositibo sa COVID-19 noong March 12 at na-confine sa isang pribadong hospital sa Pasig City.

“On behalf of the PNP, we would like to give our condolences to the bereaved family and assures them of every assistance they need. The PNP leadership is doing everything to mitigate this virus especially on our personnel, as frontliners, one death is one too many,” wika pa ni Gen. Sinas.

Nagpahayag naman nang pakikiramay si PNP spokesperson B/Gen. Ildebrandi Usana sa mga naulila ng dalawang opisyal at iba pang nasawi sa kanilang hanay.

Sinabi ni Usana na nakalulungkot na kalimitang tinatamaan ng sakit sa kanilang hanay ay mga bata pa na sa pagsisikap na gampanan ang kanilang tungkulin ay nauna pang pumanaw sa kanilang mga magulang.

Sa ngayon ay nasa 17,637 na ang tauhan ng PNP na nagpositibo sa COVID-19, kung saan 15,200 ang nakarekober, at 2,391 ang kasalukuyang nagpapagaling.