Personal na nakasalamuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang dalawang Filipino na kamakailan ay pinalaya ng mga Hamas militants.
Mainit na sinalubong ng pangulo sa Malacanang sina Jimmy Pacheco at Camille Jesalva.
Pinayuhan ng pangulo ang dalawa na dapat ay isulat nila o ikuwento ang naging karanasan nila habang sila ay bihag ng mga Hamas militants.
Pinasalamatan ng dalawa ang Pangulo dahil sa naging tulong nito sa kanila kung saan gumawa ng paraan ang gobyerno para mapalaya sila.
Ikinuwento ng dalawa ang naging karanasan nila sa kamay ng mga Hamas na ikinamangha ng pangulo.
Si Pacheco ay carergiver sa Israel na binihag ng mga Hamas ng mahigit 40 araw kung saan nakauwi ito sa Pilipinas noong Disyembre 18.
Habang ang 31-anyos na si Jesalva na caregiver din mula sa Nueva Ecija ay hindi nito pinabayaan ang kaniyang amo ng lusubin ng Hamas ang Israel noong Oktubre 7.