Patay ang dalawang katao habang sugatan ang walong iba pa sa naganap na pamamaril sa isang nightclub sa Greenville, South Carolina.

Sinabi ni Lt. Jimmy Bolt ang deputy ng Greenville County Sheriff’s Office, agad nilang nirespondihan ang tawag sa kanila na kaguluhan sa lugar.

Pagdating sa lugar ay nakita nila ang apat na katao na nakahandusay.

Dinala naman sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakilalang suspek.