Knumpirma ngayon ng mga otoridad na dalawa ang namatay matapos bumagsak ang isang gusali ng Hotel Sogo sa Maynila.

Kinilala ang dalawang manggagawang nasawi na sina Melo Izon at Jerome Fabello.

Nakuha ang labi ni Izon pasado alas-3:00 ng hapon at agad dinala sa Ospital ng Maynila.

Gumuho ang dini-demolish na gusali kanilang umaga at 19 na manggagawa ang nakaligtas sa insidente.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang pagguho ng naturang gusali.