-- Advertisements --
Dalawang indibidwal ang nasawi habang dalawa ang sugatan sa panibagong pagsabog kaninang ala-12:30 ng tanghali sa may bahagi ng Purok Malipayon, Diplo, Kumalarang, Zamboanga del Sur.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PRO-9 Spokesperson P/Maj. Shellamie Chang, bandang ala-12:40 ng makatanggap ng report ang Kumalarang PNP kaugnay sa nangyaring pagsabog.
Kaagad naman rumisponde ang mga pulis sa crime scene.
Sinabi ni Chang na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente at inaalam na rin ang identities ng dalawang nasawi at nasugatan.