-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapatuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng dalawang pari na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Father Angelo Colada, director ng Social Communications ng Archdiocese of Jaro, sinabi nito na mula sa Maynila ang nasabing mga pari at na-designate lamang sa kanilang lungsod.

Ayon kay Colada, nakagpagsagawa pa ng misa ang dalawang pari sa isang pribadong kapilya.

Sinabi naman ni Colada na hindi naipaalam sa Archdiocese of Jaro ang pagdating ng mga pari at hindi rin ang mga ito nakapag-courtesy call.

Base sa impormasyon, sumakay ang mga ito sa Roll-On Roll-Off vessel papunta sa Iloilo.

Sa ngayon, “asymptomatic” ang mga ito at nakakarekober naman sa deadly COVID-19.