VIGAN CITY – Napatay sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng mga communist-terrorist group at mga militar ang dalawang opisyal ng nasabing grupo at isa pang kasamahan ng mga ito.

Base sa report na nakalap ng Bombo Radyo Vigan, nakilala ang mga napatay na sina Ka Ka Goyo, secretary ng Kilusang Larangang Guerilla- South Ilocos Sur; Unor na deputy secretary at Finela Cavero alyas Ricky.

Ganap na alas-10:30 nitong Huwebes ng gabi nang makatanggap ng report ang 81st Infantry Battalion Philippine Army na mayroong mga armadong grupong namataan sa Brgy. Namatican, Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Nang makarating sa nasabing lugar ang mga militar, napansin umano ng mga miyembro ng nasabing grupo ang kanilang presensya kaya nagpaputok ang mga ito ng baril dahilan upang lumaban ang mga nagrespondeng militar.

Pinaniniwalaang nagtagal ng hanggang 10 minuto ang nasabing putukan na rason ng pagkamatay ng mga nakilalang miyembro ng KLG-SIS.

-- Advertisement --

Nakuha sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang pistola at isang fragmentation grenade.