-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nakapagtala ng dalawang panibagong positibo sa COVID-19 ang Cauayan City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Bernard Dy, sinabi niya na ang dalawang panibagong positibong kaso ng COVID-19 ay kapwa OFW kabilang na ang limang buwang buntis.

Ang isa sa nagpositibo ay galing sa Riyadh Saudi Arabia na kasalukuyang nasa Quarantine Facility ng pamahalaang panlalawigan sa Bayan ng Ramon.

Habang ang isa naman ay nasa quarantine facility ng lungsod sa FL Dy Coliseum na isang 27 anyos na buntis na dumating noong June 25, 2020 mula sa Dubai.

Ayon kay Mayor Bernard Dy, walang dapat ipag-alala ang publiko dahil hindi pa nakauwi sa kanilang barangay ang naturang nagpositibo dahil dumiretso sa quarantine facility ng lunsod.

Dinala na ang naturang pasyente sa Southern Isabela Medial Center (SIMC).

Madadagdagan naman ang araw ng pagka-quarantine ng mga nakasalamuha ng pasyente sa FL Dy Coliseum at matapos ang pitong araw ay isasailalim silang muli sa swab test para masigurong hindi sila nahawaan ng virus.

Sa ngayon anya ay tatlo ang active case ng CoViD-19 sa Cauayan City.