-- Advertisements --

Dalawang indibidwal ang naiulat na nasawi dahil sa epekto ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Goring at Hanna, ayon sa Office of Civil Defense (OCD), National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Ayon kay NDRRMC spokesperson Edgar Posadas ang nasawi ay kasalukuyang bina validate na at nagmula sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Western Visayas.

Dagdag pa ni Posadas nasa mahigit 418,000 indibidwal sa ibat ibang bahagi ng bansa ang apektado dahil sa sama ng panahon.

Nasa 114,000 pamilya mula sa 1,469 barangays ang apektado.

Nilinaw naman ni Posadas na ang mga apektadong indibidwal ay pinagsama na sa epekto ng Goring, Hanna at Habagat.

Sa datos ng National Disasster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) nasa 21,700 katao o katumbas ng 5,100 pamilya ang nananatili sa 272 evacuation centers habang 30,000 katao o 7,400 pamilya ang piniling manatili sa ibang lugar o sa kanilang mga kamag-anak.

Ayon kay Posadas tumaas ang bilang ng mga bahay na nasira na kasalukuyang nasa 501 kung saan 96 dito ang totatally damage habang ang 405 ay partially damaged mula sa CAR, Region 1, 2, Calabarzon, Mimaropa, at Region 6.

Naitalang pinsala naman sa sektor ng agrikulutura pumalo ito sa P421,195,721 habang sa infrastructure ay nasa P130,251,200.

Nasa 25 roads at siyam na tulay ang hindi passable sa ngayon.

Sa kabuuan nasa P20,901,428 halaga ng mga tulong ang naibigay ng sa Regions 1, 2, 3,4-A. 4-B, 6, CAR, and the National Capital Region.