-- Advertisements --
Patay ang dalawang kato habang 14 na iba pa ang sugatan matapos ang naganap na mass shooting sa Alabama.
Ayon sa Montgomery Police, naganap ang insidente dakong 11:30 ng gabi matapos ang football game sa pagitan ng Tuskegee University at Morehouse College.
Nagsimula ang kaguluhan noong magkaroon ng alitan sa dalawang magkaribal na grupo hanggang nagpalitan sila ng putok.
Kabilang sa nasawi ang isang babae habang dalawang bata ang nasugatan sa insidente.
Dinala na sa pagamutan ang mga sugatang biktima habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad.