CENTRAL MINDANAO- Patay ang dalawang binatilyo sa pagsabog sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga binawian ng buhay na sina Nashruddin Utto, 12 anyos at Edris Guiaman, 14 at mga residente ng Barangay Sampao Rajah Buayan Maguindanao.
Ayon kay Rajah Buayan Mayor Jack Ampatuan na habang nangangaso ng ibon (hunting) ang mga biktima ay nakapulot sila ng granada.
Aksidente umanong sumabog ang granada at tinamaan ang magpinsan sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.
Patay on the spot si Utto habang naisugod pa sa pagamutan si Guiaman ngunit binawian rin siya ng buhay.
Nagpaalala si Mayor Ampatuan sa kanyang mga kababayan na kung may nakitang ekplosibo ay ipagbigay alam sa mga otoridad at wag pulutin.
Ngayon ay nagpatuloy ang imbestigasyon ng Rajah Buayan PNP sa naturang pangyayari.