Kinumpirma ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales na dalawang kongresista ang nagkaroon ng exposure sa isang COVID-19 patient.

Sa isang statement, hindi idinetalye ni Montales ang pagkakakilanlan ng dalawang kongresistang ito.

Ayon kay Montales, dumalo ang dalawang kongresistang ito sa NLEx Harbor Link inspection noong Marso 5.

Dumalo Rin aniya sa naturang event ang isang indibidwal na kalaunan ay nagpositibo sa COBID-19.

Alinsunod sa umiiral na protocol, kaagad naman aniyang sumailalim sa self-quarantine ang dalawang kongresista.

Hindi nakitaan ang mga ito ng sintomas ng COVID-19.

Nauna nang sinabi ni Davao City Rep. Isidro Ungab na sasailalim siya sa self-quarantine matapos na makahalubilo si Sen. Sherwin Gatchalian sa Senado kahapon, Marso 11, 2020.