CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang dalawang katao nang manlaban sa mga pulis sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga nasawi na sina Kadali Panigas, 40 anyos,may asawa at Jomarie Ambel, 25, binata at mga residente ng Barangay Kilada Matalam North Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na hinarang ng mga pulis ang mga suspek sa national highway ng Purok 4 Barangay Kilada Matalam Cotabato para isilbi sana ang warrant of arrest laban kay Panigas.
Ngunit akma na sanang lalaban ang mga suspek kaya inunahan na sila ng mga pulis.
Naisugod pa sina Panigas at Ambel sa pagamutan ngunit hindi na sila umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.
Si Panigay ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.
Narekober sa mga suspek ang isang .38 revolver, isang granada, motorsiklo, mga bala at pakete ng shabu.
Sa ngayon ay pinaigting pa ng Cotabato PNP ang operasyon laban sa mga grupo o indibidwal na sangkot sa ibat-ibang kremin sa probinsya.
















