Kumpirmadong nasawi ang dalawang lalaki habang nakaligtas naman ang isa pa matapos matabunan ng gumuhong lupa ang isang kainan sa Shilan, La Trinidad, Benguet nitong umaga ng Huwebes, Agosto 6.
Ayon sa Benguet Police Provincial Office (PPO), natukoy ang mga biktima na mga kusinero, na nagtratrabaho sa may kitchen ng bulaluhan nang tumama ang landslide bandang alas-otso ng umaga kasunod ng apat na araw nang tuluy-tuloy na pag-ulan.
Base naman kay Benguet PPO provincial director PCol. Dionisio Bonoy, dead on the spot ang dalawa habang natagpuang buhay ang isa sa mga natabunan. Kasalukuyang ginagamot na sa ospital ang nag-iisang nakaligtas sa insidente.
Samantala, ipinag-utos na ng pulisiya sa mga residente sa lugar na lumikas na bilang pag-iingat sa gitna ng banta ng posibleng panibagong landslide dahil sa patuloy pa rin na mga pag-ulan bunsod ng epekto ng bagyong Maymay at habagt.
















