-- Advertisements --

Ipinasara ng mga kapulisan sa London ang dalawang iligal na street parties.

Naglagay ng dispersal zones sa Clapham Common at Tooting Bec Common para mapaalis ang mga tao.

Sa nasabing lugar kasi ay pinapayagan ang mga kapulisan at mga uniformed personnel na magpatupad ng karagdagang kapangyarihan na paalisin ang mga tao sa lugar.

Nanawagan naman si Home Seceratery Priti Patel sa mga tao na huwag dumalo sa mga street parties, protest o anumang pagtitipon.

Mahigpit kasi ipinagbabawal ang pagtitipon dahil baka mas lalong tumaas pa ang kaso ng coronavirus sa nasabing bansa.